Ang mga Pilipino ay kilala bilang masayahing tao. Ngunit masaya parin nga ba? Sa kabila ng kahirapan ng buhay, mataas na pamasahe, dumadaming pangangailangan. Lumalaking pamilya tumataas ng gastusin, matrikula at ang walang humpay na bakbakan sa Mindanao. Dagdag pa ang hindi makalidad na serbisyo ng bawat kompanya na nagiging dahilan ng panghihinayang ng mga Pilipino.
Sa aking pagtatanong mula sa iba’t ibang tao kahit na ganito ang buhay Eh! ayos lang daw basta’t buo ang pamilya. At ang iba naman eh yosi, barkada, tropa, kamag-aral, girlfriends at boyfriends lang Eh! Okay na! mukhang mahirap yata iyon!! Papaano nalang kung ang lahat ng iyon ay mawala… Masaya pa rin ba sila?
Mayroon akong isang simpleng kwento mula sa librong aking nabasa tungkol sa buhay ni Ruben at ang kaibigan nyang puno sa likod ng kanilang bahay.
Noong ipanganganak palang si Ruben ang kanyang ama ay nagtanim ng puno sa likod ng kanilang bahay. Hanggang sa maging 7 taong gulang na si Ruben. Nagsimualng magsalita ng puno sa kanya at ang sabi:
“Maaari ba tayong maglaro?”;
“ Hindi na ako makapaglalaro pa. pagod ako marami akong ginawa kanina” tugon ni Ruben.
“Ah ganun ba? Sige sa susunod nalang hihintayin kita.
Makalipas ang 3 taon muling nagtanong ang puno:
“Maaari ba tayong maglaro?”;
Agad na sumagot si Ruben at ang sabi:
Kailangan ko ng pera. Nais kong pumasok sa paaralan”
“Halika umakyat ka sa aking sanga, manguha ng mga prutas, ipagbili sa palengke at para kumita at makapag aral ka” sabi ng puno.
Hindi na nagdalawang isip pa si Ruben agad niyang ginawa ang sabi ng puno.
Noong 18 taong gulang na siya nagsimula na siyang manligaw. Malaki ang tiwala ni Ruben sa puno para sa kanyang nililigawan kaya kinausap niya ito at sanabing:
“hindi ko magawang I date ang aking nililigawan sapagkat wala akong pera at hindi niya ako sasagutin kapag wala akong sariling bahay.
“sige! Kunin mo ang lahat ng aking mga prutas, ipagbili mo sa palengke at putulin ang aking mga sanga ng sa ganoon makabuo ka ng bahay.
At ginawa ni Ruben
Makalipas ang 12 na taon, samantalang 30 na si Ruben muling nagtanong ang puo sa kanya at ang sabi:
“Maaari ba tayong maglaro?”
Pero muling tumangi si Ruben
“Lumalaki na ang mga anak ko. Hindi ako makahanap ng magandang trabaho para matustusan nang aking pamilya dito sa Pilipinas. Nais ko sanang pumunta ng ibang bansa.”
“halika! Putulin mo ang mga sanga ko, ibenta sa mga may nais magtayo ng bahay,kunin ang mga prutas ipagbili sa palengke at putulin mo ang aking kahoy at gawing Bangka ng sa ganoon. Ay matupad ang nais mo”
Muli ginawa ito ni Ruben nang walang pag aalinlangan
Makalipas ang 50 taon ng pamamalagi sa ibang bansa at ngayong 80 taon na siya. Nais na niyag bumalik sa Pilipinas. Pagod, sakitin, at mahina na.
Muli siyag bumalik sa dati niyang bahay kung saan nakatanim ang puno na 50 taon niyang hindi nakita.
At muli nagtanong ang puno:
“Ruben, maaari ba tayong maglaro?”
“Hindi ko na kayang maglaro pa, malambot na ang aking mga tuhod, mahina at pagod na ako. Patay na ang asawa ko at iniwan na ako ng mga anak ko.” Tugon ni Ruben
“Ako rin ay hindi na maka paglalaro sapagkat ag sakit ng tangalan mo ako ng kahoy ay nandito parin.”
“Halika’t maupo ka dito sa lilim ng mga dahon koat magpahinga kasama ko. Sabi ng puno.”
Ginawa muli ni Ruben ang nais ng puno.
Mahirap humanap ng pera para makabili ng nais natin, mahirap ring humanap ng kaibigang mapagkakatiwalaan natin para maging Masaya..
Ang mga bagay na nabanggit ko kanina ay isa lamang sa mga panandaliang kaligayahan. Dahil ang tunay na kaligayan ay ang pang habang buhay.
Wag nang pahirapan pa ang iyong sarili sa kakahanap ng mga bagay na iyong ikaliligaya. dahil ang panghabang buhay na kaligayan ay nasa tabi mo lang… ang Diyos